Lamang ng Bangka at Walang Katiyakang mga Resulta: Paanong Gumaganang Magkasama ang mga Ito
Ang ideya na ang halos karamihan sa mga klase ng sugal ay walang katiyakan ang mga resulta nguni’t may kinalalabasang lamang ng bangka na nagreresulta ng tiyak na pagkatalo ng naglalaro sa kalaunan ay tila nakakalito. Puwede mong itanong ” Hindi ba nagpapatunay ang pagkakaroon ng lamang ng bangka na ang mga larong sugal ( lalo na ang mga laro sa machines ) ay ” inareglo ” o dinoktor wika nga” at hindi talagang walang katiyakan kung kailan magbibigay ng panalo? Ito ay balidong katanungan na sisikapin naming mabigyan ng kasagutan.Narito ang dalawang halimbawa na maglilinaw kung paanong magkasamang gumagana ang mga konseptong ito sa isang laro.
Halimbawa 1 – Walang Katiyakang Mga Resulta / Walang Lamang ng Bangka
Si John at si Julie ay may tig $100 dolyar. Ipinasiya nilang maglaro ng simpleng hagis ng coin o coin flip. Pag lumabas ang mga ulo (heads), kukuha ng isang dolyar si John kay Julie , pag mga buntot ( tails) ang lumabas, si Julie naman ang kukuha ng isang dolyar mula kay John.
Halos malinaw na kung ano ang mangyayari sa larong ito. Bawa’t hagis ng coin ay walang katiyakan ang resulta- mga ulo (heads) o buntot (tails) ay may 50/50 tsanssang lumabas. Walang may bentahe, kaya ang pera ng bawa’t isa sa dalawang naglalaro ay posibleng mananatiling patas.
Halimbawa 2 – Walang Katiyakang mga Resulta/ May Lamang ng Bangka
Bawa’t naglalaro ay nagsisimula ring may tig $100, nguni’t ngayon, ang bigayan ng panalo ay may kaunting kaibahan . Pag mga ulo (heads ) ang lumabas, kukuha pa rin kay Julie ng isang dolyar si John. Nguni’t pag mga buntot (tails) ang lumabas, 90 cents lamang ang kukunin ni Julie kay John.
Nagpasok tayo ng isang lamang ng bangka rito. Magkasindalas pa ring mananalo nang patas sina John at Julie nguni’t dahil sa bagong balangkas ng pagbibigay ng panalo, ang pera ni Julie ay unti- unting bababa sa zero o wala, dahil ang kaniyang payoff odds o naka-set na tsansa ng bigay na panalo ay mas mababa kaysa sa true odds o mga tunay na tsansa ng bigay na panalo.
Pansining ang mga resulta ng coin flip o hagis ng coin ay walang mga katiyakan (at walang pandaraya o fair) nguni’t ang balangkas ng payoff o pagbibigay ng panalo ay nagbibigay ngayon kay John ng isang lamang ng bangka.
Ang lahat ng mga laro sa casino at VLTs ay gumagana sa magkakaparehong paraan bagama’t dahil sa kompleksidad ng mga laro ay mas mahirap matukoy ito. Ang walang tiyak na mga resulta at lamang ng bangka ay madaling gumanang magkasama. Ang epekto nito sa mga laro sa casino ay ang walang katiyakang mga resulta ng mga laro nguni’t ang mga laro ay pabor pa rin sa operator (o nagpapalakad ng sugal (lamang ng bangka).
Ang kinalalabasan ng walang katiyakang mga resulta at lamang ng bangka sa pera ng naglalaro ay kapareho ng epekto ng isang embudo. Nag-uumpisa ang naglalaro nang maraming pera nguni’t unti-unti at tiyak na mauubos habang nahuhulog mula sa embudo hanggang wala nang matira.