Ilusyon ng Kontrol

Ilusyon ng Kontrol

Kung magsusugal ka, tiyak na may kontrol ka sa ilang mga aspekto ng karanasan mo sa pagsusugal, kabilang na ang mga larong nilalaro mo, kung magkano ang taya mo, kung ano ang tinatayaan mo, at kung gaano ka katagal maglaro. Sa kasamaang-palad, ang hindi mo makokontrol ay ang mga resulta ng mga laro. (Kung puwede mong makontrol ang mga resulta, malulugi at  magsasara ang mga casino nang mabilis.) Ang ibang mga manunugal, na posibleng frustrated dahil sa hindi mahuhulaang mga resulta ng sugal, ay maaaring mag-isip na magkakaroon sila ng higit na kontrol sa situasyon kung puwede nilang impluwensiyahan ang kalalabasan ng laro. Ang mga gawi tulad ng ibang paraan ng paghahagis ng dice, pagpapalit ng upuan o paghahalu-halo ng mga laro nila, ay maaaring magbigay sa ibang tao ng paniwalang naiimpluwensiyahan nila ang kalalabasan ng laro. Ang totoo, walang nagagawa ang mga stratehiyang ito para mabago ang mga tsansa nila ng panalo. Ang mga tsansa ng panalo ay hindi magbabago, kahit sino pa ang maglaro, kahit gaano katagal maglaro o kahit gaano kalaki ang taya ng isang tao sa bawa’t laro.

Ang isang mas mainam na paraan ay magpokus sa mga bagay na maaari mong kontrolin: kung magkano ang taya mo, kung gaano ka katagal maglaro at kung gaano ka kadalas magsugal. Ito ang paraan para may aktual na kontrol ka habang nagsusugal.