Mainit at Malamig na mga Makina: Walang Ganitong mga Makina

Mainit at Malamig na mga Makina: Walang Ganitong mga Makina

Narinig mo na bang may nagsabi nang isa sa sumusunod (o mismong ikaw ang nakaisip nang isa sa mga ito)?”Mainit ang dealer- wala tayong laban sa kaniya.”

“Hindi ako puwedeng matalo, biglang lumamig ang makina ko – Dapat tumigil na ako noong oras na iyon.”

Ang ideya na ang mga makina at mga dealers – o ang ibang mga lokasyon ay mainit (hot) o malamig (cold), ay hindi totoo. . Kung minsan ay nakakakita tayo ng mga patterns ( tandaan ang 20/20 hindsight o 20/20 kaalaman pagkatapos mangyari) kung saan tayo nananalo (o natatalo) nang malaki. Iyan ang sinasabing kawalang-katiyakan ng pagsusugal. Ang mga slot machines at VLTs ay  hindi naka-program na magkaroon ng mga cycles ng panalo at pagkatalo- bawa’t spin o deal ay nagbibigay sa isang naglalaro ng patas na tsansa ng panalo (tingnan ang random number generators in slots and VLTs o generator ng mga numerong walang tiyak na pagkakasunud-sunod sa mga slots at VLTs  para sa karagdagang impormasyon).

Ang pagsusugal ay laging mayroong mga panalo at pagkatalo, kung minsan, puwede kang mayroong maraming panalo kaysa pagkatalo o ang kabaligtaran nito. Hindi ang ibig sabihin nito ay mainit o malamig ang makina o ang dealer. Ang dahilan ay ang walang katiyakang mga resulta o mangyayari sa mga laro. Sa kalaunan, ang mga pagkatalo ay mas lalong marami sa panalo. Kung makaranas ka nga ng maraming panalo, mabuti! Kung makaranas ka ng mga pagkatalo, siguruhin mo lamang na huwag kang gumasta nang sobra sa limit mong ilaro at hindi ka mawawalan ng malaking pera.