Kawalang-Kaugnayan sa Isa’t Isa ng mga Pangyayari
Ang isa pang konseptong malapit na nauugnay sa randomness o Walang Katiyakang mga Resulta ay ang kawalan ng kaugnayan ng mga pangyayari. Sa sugal, ang ibig sabihin nito ay walang epekto ang nangyari na sa susunod na mangyayari. Kasama ritong mga halimbawa ang:
- Tuwing paiikutin ang roulette wheel, ang resulta ay talagang walang kaugnayan sa lahat ng mga nakaraang spins o pagpapaikot nito kahit ano pa ang mga numero at mga kulay na lumabas nang mauna.
- Tuwing pipindutin ang spin button sa isang slot machine o VLT. Ang resulta ay walang kaugnayan o kinalaman sa lahat ng mga nakaraang pagpindot.
Ang isang halimbawa: Ang Coin Flip o ang Paghahagis ng Coin sa Pamamagitan ng Hinlalaki at Hintuturo
Magagamit natin ang halimbawa ng isang coin flip para maunawaan ang konseptong ito. Pag ang coin ay inihagis mo ng 10 ulit at tuwing babagsak ito ay ulo (heads) ang nakatihaya, ang tsansang makuha mo ang ulo (head), sa ikalabing-isang hagis, ay mananatiling 50-50. Ang coin ay walang memorya para matandaan ang nangyari sa mga nagdaang hagis, at ang mga nagdaang hagis ay walang epekto sa kasalukuyan o mga susunod pang hagis.
May isang pangkaraniwang maling paniniwala sa sugal na tinatawag na gambler’s fallacy o Maling Ideya ng Manunugal, na paniwalang ang isang pangyayari o event ay malapit nang maganap kung matagal nang hindi nangyayari. Maraming tao ang hindi nakakaalam na sa karamihan sa mga kaso, ang mga resulta sa sugal ay walang kaugnayan sa isa’t isa. Inaasahan nilang magtatabla ang mga resulta sa malao’t madali. Halimbawa, pag pula ang lumabas ng 10 ulit na sunud-sunod sa roulette, inaasahan ng ibang mga manunugal na sa susunod na ikot ay itim naman ang lalabas. Siyempre, tulad sa coin flip o hagis ng coin, baka hindi mangyaring itim ang sumunod o malapit nang sumunod na lumabas. Ang mga nagdaang pagpapaikot ng roulette ay walang kinalaman sa kasalukuyan o mga susunod pang pagpapaikot.
Eksepsiyon sa Konsepto ng Kawalang- Kaugnayan ng mga Pangyayari
May mga klase ng laro (Tingnan ang seksiyon Does Skill Work ? o Gumagana Ba Para sa Iyo ang Kakayanan o Kahusayan sa Paglalaro?.) na ang mga nakaraang resulta ay maaaring magkaroon ng epekto o impluwensiya sa mga susunod na mangyayari. Ang blackjack ay isang magandang halimbawa nito: pag naibigay na ang isang baraha, hindi ito mababalik sa laro hanggang ang lahat ng mga baraha ay nabalasa nang muli. Ang mga nagdaang kombinasyon ng mga baraha o hands ay maaaring magkaroon ng limitadong epekto sa kasalukuyan o mga susunod pang hands o kombinasyon ng mga baraha. Dagdagan pa ang kaalaman mo sa tulong ng aming seksiyon sa Blackjack.