Kailangan Ba ang Kakanayan at Kahusayan sa Laro?

Ang randomness o walang katiyakang mga resultaindependence of events o kawalang- kaugnayan ng mga pangyayari at house advantage o lamang ng bangka ay mga importanteng konsepto sa pagsusugal na dapat ay pamilyar ka na sa ngayon. May ilang klase ng sugal o mga laro na nangangailangan din ng kakayanan o kahusayan sa laro, nguni’t sa halos lahat ng mga laro, ang kakayanan o skill ay hindi kailangan. Tingnan natin kung saan magagamit ang kakayanan o skill at kung saan hindi.

Mga Larong Depende Lamang sa Suwerte o Tsansa (Walang Kailangang Kakayanan o Kahusayan sa Laro )

Ang halos lahat ng klase ng sugal ay nasa ilalim ng kategoryang ito.

  • Mga Loterya
  • Mga tiket na kinakaskas at binubuksan
  • Mga spinning reel games sa slots at VLTs
  • Roulette
  • Mini-baccarat
  • Craps
  • Keno
  • Mga Raffles

ImageAng mga resulta ng mga larong ito ay nagkakataon lamang o wika nga ay tsansa o suwertihan lang.Walang kahit anong magagawa ang mga naglalaro para mapagbuti niya ang paglalaro para manalo sa mga ito. Bawa’t resulta ay pinipili ng isang random generating device o device na nagpapalabas ng walang katiyakang mga resulta, tulad ng isang roulette wheel o isang random number generator o generator ng mga numerong walang tiyak na pagkakasunud-sunod sa isang VLT at ang bawa’t resulta ay walang kaugnayan sa lahat ng iba pang mga tira.

Para sa mga larong depende lamang ang panalo sa tsansa o suwerte (walanag kailangang kakayanan o kahusayan sa laro), tandaang ang mga bagay lamang na makokontrol mo ay kung magkano ang taya mo, gaano ka kabilis maglaro at gaano katagal ka maglaro. Tratuhin mo ang mga larong ito bilang mga libangan at planuhin mong gumasta ng pera para sa masayahan ka sa paglalaro.

Mga Larong Halos Depende sa Suwerte o Tsansa (May kaunting kakayanang kailangan)

Halos lahat ng mga larong nasa ilalim ng kategoryang ito ay mga laro sa baraha at mga larong sports-based:

  • blackjack
  • Pai Gow Poker
  • Mga larong poker na palakad ng casino (3 card poker, Caribbean stud, Texas hold ’em bonus atbp. )
  • Sport Select®
  • Sports pool
  • Karera ng Kabayo

Sa mga larong ito, mayroong kaunting pagkakataong gamitin ng mga naglalaro ang kanilang mga kakayanan o kahusayan sa laro. Kahit na mapababa ng mahusay na manlalaro ang magagasta niya sa paglalaro, palagi ring may lamang ng bangka ang nagpapalakad ng sugal.

Ang dahilan kung bakit magagamit ng naglalaro ang kakayanan niya o kahusayan sa mga larong ito ay dahil kailangang gumawa ng mga desisyon ang mga naglalaro na makakaapekto sa kalalabasan ng laro. Hindi madalas mananalo ang mga naglalarong gumagawa ng masamang desisyon kung ihahambing sa mga manlalarong mahuhusay ang mga desisyon.

Mainam na bigyang- pansin na pag kinarkula ng mga nagpapalakad ng sugal ang lamang ng bangka o house advantage sa isang laro, ibinabatay nila ito sa karkulasyon ng perfect play o basic strategy na pangunahin o pinagbabatayang stratehiya ng laro. Ang mga nakalistang lamang ng bangka sa aming Cost of Play Chart o chart kung magkano ang nagagasta sa paglalaro ay ibinatay rin sa basic strategy o pangunahing stratehiya. Pag hindi ginamit nang husto ng sino mang maglalaro ang basic strategy ay may  mas malaki ang lamang ng bangka kaysa sa nakalista.

Masusi nating pag-usapan ang dalawa sa mga larong ito.

Blackjack

ImageAng blackjack ay isang magandang halimbawa ng isang laro kung saan kailangan ng kakayanan o kahusayan. Bagama’t ang pagbalasa ng mga baraha ay nagbibigay ng walang katiyakang mga resulta. May elemento pa rin ng paggawa ng desisyon na makakaapekto sa mga resulta ng laro ng isang naglalaro nito. Ang mga manlalarong mabubuti ang desisyon ay magkakaroon ng mabuting resulta pag nagtagal-tagal kaysa sa mga mali ang mga desisyon kung sa paglalaro ng mga baraha. Dalawang stratehiya ang ginagamit ng ilan sa mga naglalaro ng blackjack para pinakamalaki ang mapanalo nila:

Pangunahing Stratehiya sa Blackjack: Ang blackjack ay isa sa iilan lamang na mga laro sa casino na maaaring mapababa nang husto ng mga naglalaro ang lamang ng bangka sa pamamagitan ng paggamit ng tinatawag na “basic strategy” o pangunahing stratehiya. Ito ay isang set ng mga tuntunin na nagsasabi sa mga naglalaro ng pinakamabuting paraang statistika kung paanong laruin ang isang kombinasyon ng mga baraha o hand, na base sa dalawang bagay o factors- ang nakikitang nakatihayang baraha ng dealer o up card ng dealer at ang sarili nilang mga baraha. Hindi garantisadong mananalo sa bawa’t kombinasyon ng baraha o hand ang isang naglalaro dahil sa basic strategy o pangunahing stratehiya. Nguni’t ang paggamit nito ay nagbibigay sa isang naglalaro ng pinakamahusay na posibleng tsansa na manalo at makakatulong na mapababa ang magagasta sa paglalaro habang tumatagal. Tandaang hindi tinatanggal ng basic strategy ang lamang ng bangka- pinabababa lamang. Maraming mga casino ang aktual na namamahagi ng mga barahang basic strategy na magagamit ng mga nagsusugal habang naglalaro. Makakapagtanong din ang mga naglalaro kung anong desisyon ang gagawin para sa isang hand o kombinasyon ng mga baraha (hit o kukuha pa ng karagdagang baraha, stand o hindi na hihingi pa ng mga karagdagang baraha, atbp.)
base sa basic strategy o pangunahing stratehiya.

Pagbilang ng Baraha sa Blackjack: Ang mga manlalarong gumagamit ng sistema ng pagbilang ng baraha sa blackjack ay  tinatandaan ang ipinamahagi nang mga baraha, pagkatapos ay pinapalitan nila ang diskarte nila batay sa mga natitirang mga baraha. Bago sumubok gumamit ng sistema sa pagbilang ng baraha ang isang manlalaro, kailangan muna niyang malaman ang basic strategy  o pangunahing stratehiya para sa bawa’t situasyon. Ang paggamit ng sistema ng pagbilang ng baraha ay hindi nagbibigay ng garantiya na mananalo ang naglalaro sa bawa’ t hand o kombinasyon ng baraha niya ( o kahit na ang karamihan sa mga hands o mga kombinasyon) dahil sa walang katiyakan ang makukuha niyang mga baraha. Sa teoria o theory, nakakatulong nang kaunting- kaunti na maging pabor sa  naglalaro ang lamang ng bangka, na ang ibig sabihin ay baka maging ahead siya o nananalo sa katagalan. Ang totoo, gumagawa ng mga  hakbang ang mga casino para may limit ang pagiging epektibo ng mga sistema sa pagbilang ng baraha (gumagamit ng maraming decks ng baraha, madalas na pagbalasa ng mga baraha atbp.) at ginagawang halos imposible para sa karamihan sa mga manlalaro na makakuha sila ng ano mang bentahe o advantage sa pamamagitan ng paggamit ng isang sistema ng pagbilang ng baraha.

Sport Select®

Ang Sport Select® ay isang klase o porma ng legal na pagpusta sa mga sports na ang mga naglalaro ay makakapusta sa mga resulta ng iba’t ibang klase ng sports, kasama na ang hockey, football, baseball, basketball, soccer, tennis at golf. Ang Sports Select® ay may pangganyak sa mga taong sumusubaybay nang mataman sa mga sports. May maling paniniwala ang ibang mga naglalaro na habang tumatagal, magagamit nila ang kaalaman nila sa mga sports para magkapera sa larong ito. Ang totoo, ang payoff odds o naka-set na mga tsansa ng bigay na panalo ay iniayos na kahit na ang may pinakamalawak na kaalaman sa sports ay malamang na matalo ng pera habang tumatagal o over time. Sa ngayon, ang  Western Canada Lottery Corporation ay nakapagbalik na ng mga 56% ng kabuuang halagang naitaya sa pamamagitan ng mga premyo. Ang ibig sabihin nito ay nakuha nila ang mga 44% ng lahat ng perang ipinusta o itinaya.

Kailangan Ba ng Kakayanan sa Karera ng Kabayo?

Ang pagpusta sa karera ng kabayo ay isa sa ilan lamang na porma ng pagpusta na nagbibigay sa mga naglalaro ng posibilidad na gamitin ang kanilang kakayanan sa handicapping ( tingnan sa ibaba), para posibleng lumaki ang mga tsansa nila na manalo. Ito ay isang halimbawa ng pari- mutuel na porma ng pagpusta, na ang ibig sabihin ay nagpupustahan ang mga naglalaro laban sa isa’t isa at hindi pumupusta laban sa bangka. Ang bangka ay kumukuha agad ng pagitan sa 18 at 22 % ng lahat ng perang ipinusta. Para magkapera, kailangang mautak ang mga naglalaro kaysa sa ibang mga manunugal at matalo rin nila ang malaking lamang ng bangka.

Ang ibig sabihin ng terminolohiyang “handicapping” sa karera ng kabayo ay tumutukoy sa proseso ng pagpili ng mga kabayo na palagay ng isang naglalaro ay hinatulan nang mali ng publikong pumupusta, kaya’t nagbibigay ng oportunidad na kumita ng malaking pera. Ang handicapping ay maaaring maging isang napakamasalimuot na proseso dahil sa dami ng mga factors na dapat bigyan ng pansin, kasama na ang haba ng karera, ang uri o quality ng kompetisyon, ang mga kondisyon ng panahon, ang kakayanan ng jockey at kung ano ang pakiramdam ng kabayo sa paratikular na araw na iyon at marami pang iba. Kahit na bigyan pa ng pansin ang mga ito, napakahirap pa ring hulaan nang tiyak ang mga magiging resulta ng karera. Bihira sa mga pumupusta ang may kakayahang mautakan ang iba pa sa madlang manunugal at mapigilang makuha ng bangka ang 20% parte ng karerahan o track.

Ang talagang dapat malaman ukol sa Mga Larong Halos Depende sa Suwerte o Tsansa ( May Kasamang Kakayanan): Kung lalaruin mo ang mga larong ito at lagi kang gagawa ng mabubuting desisyon, magiging mas mababa ang magagasta mo sa paglalaro kaysa sa isang laging masasamang desisyon ang ginagawa. Tratuhin mo pa rin ang mga pormang ito ng sugal bilang libangan at humanda kang gumasta ng pera.

Mga Larong Maaaring Kailanganin ang Kakayanan at Suwerte o Tsansa ( May Kasamang Kakayanan)

Ang halos lahat ng mga laro sa ilalim ng kategoryang ito ay mga porma o klase ng sugal na ang mga naglalaro ay naglalaban-laban sa isa’t isa at hindi laban sa bangka.

  • Paglalaro ng competitive sports para sa pera (halimbawa: pool, golf, atbp.)
  • Texas hold ’em at iba pang klase o porma ng poker

Paglalaro ng Competitive Sports na May Pustang Pera

Kung magkasundo ang dalawang taong maglaro ng pool na may pustahang pera, maaasahang ang mas mahusay na manlalaro ng pool ang mananalo. Sa competitive sports o mga paligsahan sa sports, ang mga manlalaro ay naghahasa ng kanilang mga kakayanan na nakakaapekto naman sa kanilang mga tsansang manalo. Ang mga resulta ay hindi ipinauubayang lubusan sa tsansa.

Texas Hold ‘Em

ImageAng Texas Hold ‘Em ay isa ring laro kung saan ang kakayanan ng naglalaro ay makatutulong sa mga tsansa niyang manalo. Ang paglalaro ng poker ay nangangailangan ng paggamit ng iba’t ibang klaseng kakayanan kasama na ng pagkarkula ng mga tansang manalo, pagbasa sa iniisip gawin ng mga kalaban sa laro, at hindi pagpapaalam sa mga ito ng iniisip mong gawin (halimbawa,  walang mababasang ekspresyon sa mukha o keeping a good poker face). Natural na kahit ang mga talagang magagaling na manlalaro ay makakaranas ng pagkatalo, nguni’t sa katagalan, ang isang bihasang manlalaro ng poker ay mananalo nang mas malaki kaysa sa hindi gaanong mahusay maglaro.

Ang Texas Hold ‘Em at iba pang mga larong poker ay ginagawa sa iba’t ibang venues, kasama na ng mga poker rooms sa mga casino, mga lisensiyadong establishments, hindi pormal na mga pribadong laro, at sa internet, tulad ng inilalarawan sa ibaba.

Poker Rooms sa mga Casino:  Halos karamihan ng mga taong naglalaro sa mga poker rooms ay nakapaglaro na ng Texas hold ’em sa isang di – pormal na kapaligiran kasama ng mga kaibigan at pamilya bago pa sila nagsimulang maglaro sa ganitong klase ng kapaligiran. Maraming iba’t ibang dahilan ang gumaganyak sa isang taong maglaro sa isang poker room sa casino. Nakikita ng iba

ito bilang  isang bagong hamon o isang tsansang manalo ng pera, samantalang ang iba ay gusto lamang  ng larong propesyonal ang palakad na may dealer at malinaw na mga tuntunin sa paglalaro ang bangka. Sa pangkalahatang sabi, ang mga naglalaro ng poker sa casino ay magkakaroon ng  mas mataas na antas ng kakayanan. Ang operator naman ay tumutubo sa pagkuha ng ” rake” mula sa bawa ‘t ” pot” o mga chips na kumakatawan sa lahat ng mga pusta sa kasalukuyang hand o kombinasyon ng mga baraha, pagsingil ng bayad sa pagpapalakad ng mga torneo o tournament play o pagsingil ng hindi pinapalitang bayad ng mesa o flat table rate mula sa mga manlalaro.  Kung gusto ng isang manlalaro na manalo ng pera sa poker sa isang casino ay kailangang matalo niya ang ibang mga naglalaro at ang parteng kinukuha ng casino.

Mga Lisensiyadong Establishments o Licensed Establishments: Sa Manitoba , ang Manitoba Gaming Control Commission ay makakapag-isyu ng lisensiya sa mga eligible na  kawanggawa at religious organizations upang  magpalakad ng mga Texas hold ’em tournaments para lumikom ng pera para sa kawanggawa. Kadalasan ay may bayad ang pagsali (entrance fee) sa mga ganitong tournaments o torneo at maaaring malawak ang mga antas ng kakayanan ng mga maglalaro.

Mga Di- Pormal na Pribadong Laro: Sa ganitong klase ng Texas hold ’em karaniwang unang natututong maglaro ang mga tao at maaaring ito na lamang ang nag-iisang klase ng poker na paglalaruan ng karamihan. Ang mga palaro sa bahay ay karaniwang mabababa ang mga pusta o walang pustang pera. Ang kaantasan ng kasanayan ng mga manlalaro ay maaaring malaki ang pagkakaiba-iba, at dahil walang lamang ang bangka, mas walang peligrong matalo nang malaki ang mga naglalaro. Importanteng bigyan ng pansin na sa ibang pribadong laro, maaaring napakataas ng mga pusta at malaki ang peligrong matalo nang malaki ang mga naglalaro. Hindi legal sa Manitoba na magkaroon “ng rake” o hamig, ang isang palarong walang lisensiya, sumingil ng hindi pinapalitang bayad para sa mesa o flat table rate, o sumingil ng bayad para sa administrasyon ng laro.

Internet Texas Hold ‘Em: Nitong mga ilang huling taon, ang ganitong klase ng larong Texas hold ’em ay naging lubhang popular. Ang internet ay nag-aalok sa mga naglalaro na pumiling maglaro sa mga libreng sites o free sites na walang perang ginagamit, o sa mga may bayad na sites o pay sites, kung saan tunay na pera ang ipinupusta at tumutubo ang operator sa pamamagitan ng rake o paghamig mula sa kabuuan ng mga ipinustang pera para sa mga hands o kombinasyon ng mga baraha.Ang mga larong may perang pusta ay iba-iba; may mababa lamang ang mga pusta at may napakataas ang   mga  pusta , at ang antas ng kakayanan ng mga naglalaro ay malaki ang pagkakaiba-iba. Ang mga manlalaro sa iba’t ibang panig ng mundo ay maaaring naglalaro sa isang site sa kahit anong oras. Ang isang partikular na peligro sa paglalaro sa internet ay walang nakatakdang limit ng oras sa paglalaro, dahil sa ang mga laro ay pinalalakad nang 24 oras at hindi mo na kailangang umalis ng bahay. Ang isa pang peligro, para sa mga nakababatang mga manlalaro, ay ang paniwalang may totoong posibilidad na sila  ay maging propesyonal na manlalaro ng poker , lalo na’t napakadaling ” magkapera” sa free sites, kung saan hindi naman gaanong bihasang maglaro ang mga tao. Ang totoo, sa bawa’t isa sa mga taong ang ikinabubuhay ay paglalaro ng poker, libu-libo naman ang mga taong gumagasta ng pera para makapaglaro nito.

Mga Susing Kaalaman Tungkol sa Sugal

  • Karamihan sa mga klase o porma ng sugal ay may lamang ng bangka, na ang ibig sabihin ay magagastusan o matatalo ka ng pera sa paglalaro,  sa katagalan.
  • Ang karamihan sa mga klase o porma ng sugal ay walang katiyakan ang mga resulta kaya’t imposibleng mahulaan nang tama ang mga resulta.
  • Hindi gaanong kailangan o talagang hindi kailangan ang kakayanan sa halos lahat ng klase o porma ng sugal.
  • Ang mga bagay na makokontrol mo sa pagsusugal ay kung magkano ang taya mo, kung gaano ka kabilis maglaro, at kung gaano ka katagal maglaro.
  • Laging magtakda o mag-set ng katamtamang (reasonable) badyet bago ka mag-umpisang magsugal at huwag kang lumampas sa badyet na ito.

Bumalik sa Tuktok