Pakiramdam na Susuwertihin sa Pagsusugal: Mabuti ba o Masama?
Lahat ng nagsusugal ay umaasang mananalo- ang tsansa ng panalo ang isang malaking bahagi ng kasayahan o fun. Nguni’t ano ang nangyayari kung hindi ka manalo? Magkikibit ka lamang ba ng balikat at tatanggapin nang maayos ang pagkatalo? Laging mabuting ideya na pagsamahin ang pag-asang susuwertihin at ang kaalaman kung ano ang totoong maaaring mangyayari. Kadalasan, karamihan sa mga tao ay hindi nananalo pag nagsusugal sila (Tingnan ang seksiyon ng house advantage o lamang ng bangka).Pag nakaranas naman ng malaking panalo ang isang naglalaro, kung minsan ay may pakiramdam siyang mananalo ulit. Dahil sa malaking panalo ay nagiging hindi makatotohanan ang takbo ng isip niya- na magsusunud-sunod pa ang malalaki niyang panalo. Ang pinakamainam na gawin ay ipalagay na isa ring uri ng paglilibang ang pagsusugal, na pagkakagastahan. Kung manalo ka, bonus ito-kung hindi naman, sana ay nasayahan ka sa paglalaro.