Pagtulong sa Nagsusugal

Pagtulong sa Nagsusugal

Kausapin ang tao tungkol sa pagsusugal.
Huwag  mag-alok na bigyan siya o  pautangin ng pera.
Palakasin ang loob ng tao para  humingi ng tulong.

Kausapin ang tao tungkol sa pagsusugal.

  • Tanungin ang tao tungkol sa kaniyang pagsusugal. Kung palagay mo ay maaaring may problema, ang tuwirang paraan ang pinakamabuting gamitin.
  • Pag-isipan kung gusto mong magbigay ng suporta o tulong kung may problema ang tao. Sabihin mo sa kaniya na nagmamalasakit ka sa kaniya.
  • Kung palagay mo ay may problema siya sa pagsusugal, sabihin mo sa kaniya kung ano ang naobserbahan mo. Pagkatapos ay itanong mo kung ano ang palagay niya sa obserbasyon mo.
  • Sikaping umiwas na makipagtalo at huwag sisihin ang tao. Sa mga ganitong  paraan ng pakikipag-usap ay  ipinagtatanggol o binibigyang- katuwiran tuloy ng tao ang mga kilos niya
  • Gumamit ng positibong paraan ng pakikipag-usap para maramdaman ng tao na nagmamalasakit ka at nauunawaan niyang may mga maaari kang gawin para makatulong sa kaniya.

Huwag mag-alok na bigyan siya o pautangin ng pera

Mahirap para sa mga miembro ng pamilya at mga kaibigan na makitang magkaroon ng mga problema sa pera ang isang problemang manunugal. Nguni’t ang tanong ay, dapat ba siyang pahiramin o bigyan ng pera sa mga ganitong situasyon?

Image

  • Ang sagot ng mga eksperto o dalubhasa ay “hindi “. Ang sagot na ito ay parang nagpapakita ng kawalan ng pagmamalasakit, nguni’t ito lamang ang tangi mong magagawa para masigurong mararanasan ng manunugal ang mga konsekuwensiya ng kaniyang pagsusugal. Kung tutulungan siyang iahon sa kaniyang problema, hindi niya kailangang harapin ang mga problema sa pera at magpapatuloy lamang siya ng pagsusugal, na magpapadagdag pa sa mga problema sa hinaharap.
  • Gayon pa man, maaari mo pa ring liwanagin na naroon ka para suportahan ang manunugal.

Palakasin ang loob ng tao para humingi ng tulong.

  • Ang mga problemang manunugal ay kailangan ng lakas ng loob para tumanggap ng tulong o suporta ng propesyonal, at maaaring hindi nila makontrol ang problema kung wala ng ganitong klaseng tulong.
  • Maaari mong kausapin ang tao tungkol dito, at magbigay ka ng mga impormasyon  kung paano siya makakakuha ng mga suportang serbisyo at mga serbisyo ng isang counsellor o propesyonal na tagapayo sa lugar na iyon.

Huwag kalimutan na, kahit napakabuti ng mga intensiyon, hindi mo mapatitigil ang mga nagsusugal kung ang pakiramdam nila ay walang problema. Sa isang situasyon ng problemang pagsusugal, kahit magpasiyang tumigil na o hindi sa pagsusugal ang nagsusugal, o humingi man o hindi ng tulong ito, mahalagang gumawa ng mga hakbang para maiwasan ang  tindi ng epekto ng problemang pagsusugal sa  kaniyang  sarili at sa  pamilya niya.