Pagsusugal at Pagpapanatili Ritong Makatotohanan

Pagsusugal at Pagpapanatili Ritong Makatotohanan

Mga temang mula sa iba’t ibang bayan na mayroon pang mga hinulugang taktak, mga nagsasalitang estatuwa, mga gladiators at pagkaiinam at pagkalalaking mga premyo- ang mga ito ang matatagpuan sa isang pangunahing casino. Ang mga casino ay maaaring magbigay ng pansamantalang pagkalimot o pagtakas sa araw-araw ng gawain o routine, nguni’t huwag padala sa hindi makatotohanang senaryong ito. Kung minsan, ang magagarang kapaligiran ay nakakaganyak sa mga tao para magsapalaran at isugal pa ang mas maraming perang kaysa sa planong gastahin. Ito ang dahilan kung bakit napakaimportante na magtakda ng limit ng oras ng paglalaro at iwan ang ekstrang pera at mga bank cards sa bahay.

  • Ang mga nananalo sa loterya ay laging nakukunan ng litrato na nakangiti at hawak ang kanilang higanteng mga tseke.
  • Laging may kaalinsabay na mga kumikislap na ilaw at tunog ng ringing bells ang malalaking panalong jackpot sa isang casino.

Natural na isipin “Bakit hindi pa ako iyon?” Maraming tao ang nagsusugal para may tsansang manalo, nguni’t bihira ang nananalo ng malalaking jackpot. Pinakamainam na tratuhin ang sugal tulad ng iba pang klase ng libangang pinagkakagastahan ng pera. Para sa mga dagdag na ideya sa walang panganib na pagsusugal, tingnan ang seksiyon ng Responsible Gambling Tips  o Mga Tips Para sa Responsableng Pagsusugal

Mga Pangunahing Kaalaman sa Pagsusugal

Kahit anong klaseng sugal ang kinagigiliwan mo, makatitiyak kang may mahalagang papel na ginagampanan ang sikolohiya.

Huwag mong pabayaang malulong ka kahit kailan sa isang laro kung saan makakalimutan mo na kung alin ang totoo at alin ang hindi.

Tiyaking makokontrol mo ang pagsusugal – huwag mong payagang kontrolin ka ng pagsusugal mo.