Bakit Mahirap Mabigyan ng Solusyon ang Problemang Pagsusugal
Kahit kailan ay hindi naging madali ang paglutas sa mga problema sa buhay, nguni’t ang pagbibigay ng solusyon sa problemang pagsusugal ay isang napakahirap na gawain para sa mga kasama sa problema. Narito ang ilang karaniwang mga dahilan kung bakit:
Tulong para makaahon sa problema mula sa mga miembro ng pamilya
Ang posibilidad na magpabalik-balik ang problema
Pagtingin ng mga tao sa problemang pagsusugal
Mga oras na natutuksong magsugal
Pag-aatubiling humingi ng tulong
Ang kakulangan ng tamang (accurate) impormasyon
Tulong para makaahon sa problema mula sa mga miembro ng pamilya:
Para hindi mapahiya at mapanatili ang mabuting pagsusunuran sa pamilya, maraming mga miembro ng pamilya ng problemang manunugal ang gagawa ng kahit ano para matulungan ang nagsusugal. Kahit bayaran ang utang ng nagsusugal o akuin ang mga responsibilidad nito sa pamilya, kadalasang pilit na nagsisikap makatulong ng mga miembro ng pamilya kahit na makasama pa sa kanilang sariling kalusugan at mabuting kalagayan. Kaya lamang, lalong madali para sa nagsususugal ang magpatuloy sa pagsusugal kung ang paraang ito ang gagamitin.
Ang posibilidad na magpabalik-balik ang problema:
Ang pagpapabalik-balik ng problema, (relapse) ay isang proseso kung saan ginagawang muli ang mga problemang gawi at patterns. (Ang isang manunugal ay nagsisimulang magsugal nang sobra pagkatapos huminto sandali.) Ito ay hindi pambihira at maaaring mangyari kahit ang mga intensiyong tumigil na o kontrolin ang pagsusugal ay taos sa puso. Kung hindi maiintindihan ng mga manunugal ang pagpapabalik-balik na ito sa pagsusugal, at tingnan nila ito bilang isang pagkabigo, tadhana o iba pang mga senyales, baka hindi sila matuto sa kanilang mga kamalian at hindi magsikap na iwasang mangyaring muli ang mga ito.
Pagtingin ng lipunan tungkol sa problemang pagsusugal:
Sa mata ng tao, ang problemang pagsusugal ay isang tanda ng kahinaan ng pagkatao, mababang moralidad o malas na kapalaran, kaya ang nararamdaman ng mga manunugal at ng mga pamilya nila ay matinding kahihiyan at kagustuhang ilihim ang problema. Atubili silang amining may problema at humingi ng tulong sa iba sa takot na hatulan sila at pintasan. Sa kasamaang-palad, ang situasyon ay malamang na lumala kung hindi lulutasin ang pinag-ugatan ng problema.
Mga oras na natutuksong magsugal:
Karamihan sa mga problemang manunugal ay nakakaramdam ng matinding udyok na magsugal. Maraming mga kadahilanan o factors ang pinagmumulan nito. May mga internal factors o mga kadahilanang nasa loob ng manunugal, tulad ng kagustuhan niyang mabawi ang mga perang natalo sa kaniya, o mga external factors o mga kadahilanan sa kapaligiran gaya ng pagkakaroon ng mga venues sa pagsusugal o madaling pagkuha o access sa pera. Malaking hirap at paulit-ulit na pagsisikap na kontrolin ng manunugal ang mga tukso o udyok na magsugal, bago hindi na siya maapektuhan ng mga ito.
Pag-aatubiling humingi ng tulong:
Maraming tao sa mga komunidad ng mga imigrante sa North America ang nanggaling sa mga bansang ang paghingi ng tulong o asistensiya mula sa iba ( “outsiders”) para sa mga personal na isyu, ay isang hindi pamilyar na paraan ng paglutas ng problema. Maaaring binibigyang-diin ng kultura nila ang umasa sa sarili para lumutas ng problema at huwag mapahiya, bilang halimbawa.Kaya nga’t ang paghingi ng tulong mula sa labas ng pamilya ay mahirap nilang gawin kahit na hindi na nila makayang harapin nang epektibo ang problema. Bukod sa kadahilanang ito na may kinalaman sa kultura, may mga iba pang mga hadlang sa pag-aatubili nilang humingi ng tulong. Kasama sa mga halimbawa: nahihirapang magsalita ng Ingles, kakulangan ng access sa mga maaaring tumulong na nagsasalita ng kanilang wika o makaintindi ng kanilang mga pangangailangan at mga hamon, kakulangan ng kaalaman sa mga resources na maaaring makatulong sa kanila, iba pang mga hamon o mga kahirapang karaniwang hinaharap ng mga imigranteng dumarating sa North America.
Ang kakulangan ng tamang ( accurate) impormasyon at pag-unawa tungkol sa pagsusugal at mga isyu ng problemang pagsusugal:
Ang marami sa mga impormasyon sa website na ito ay hindi alam o hindi nakukuha ng maraming tao, lalo na ng mga miembro ng mga komunidad ng mga immigrante. Ang kakulangan ng impormasyon ay maaaring magresulta sa hindi matalino at may panganib na mga gawi sa pagsusugal para sa mga manunugal, nagdaragdag sa pagkalito at frustration para sa pamilya, mga kaibigan at mga mahal sa buhay, at nakakasagabal sa mga pagsisikap ng lahat na lutasin ang mga problema sa epektibong paraan.