Panandaliang Panahong Madaling Mawawala versus Pangmahabang Panahong Mahuhulaan Kung Ano ang Mangyayari
Napag-usapan na natin ang tungkol sa walang katiyakan ang mga resulta, kawalang- kaugnayan ng mga pangyayari at naniniwala tayong ang mga factors na binanggit ay tumutulong upang makasigurong magkakapera ang nagpapalakad ng sugal sa kalaunan. Sa kabilang dako, laging may posibilidad ng panalo sa kahit aling nag-iisang taya o pusta. Alam ng mga nagpapalakad ng mga sugal na sa panandaliang panahon, ang isang naglalaro ay maaaring manalo, nguni’t kung ang sino man ay magpatuloy ng pagsusugal malamang na ang kumulatibong pangkalahatang mga resulta ay pagkatalo.Pag-aralan ang sumusunod na chart na nagpapakita ng mga tsansang matalo (behind ) o manalo (ahead) pag tumataya sa pula o itim sa roulette (roulette wheel na may isang zero) Gaya ng makikita mo, ang ibang naglalaro ay maaaring nananalo pagkatapos ng 1 o hanggang 100 spins o ikot (mga dalawa hanggang tatlong oras ng paglalaro). Pagkatapos ng 1000 spins o ikot, kulang sa 1 sa 5 mga naglalaro ang nananalo pa. Pagkatapos ng 10,000 spins o ikot, ni isa sa 100 naglalaro ay hindi nananalo.
Ang ibig sabihin ng short term volatility o panandaliang panahong madaling mawawala ay baka manalo ka sa susunod na pagpusta. Ang ibig sabihin ng long term predictability o pangmahabang panahong mahuhulaan kung ano ang mangyayari, ay halos siguradong matatalo ka sa katagalan o over time.
Mahirap para sa karamihan sa mga manlalaro ang makita agad ang mga resulta ng kanilang pagsusugal na pangmahabang panahon – ang karamihan sa mga tao ay interesado sa kung ano ang mga resulta ngayon. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mainam magtala ng rekord ng iyong pagsusugal. Sa gayon, makikita mo kung gaanong oras at halaga ang nagugol mo at makakapagpasiya ka kung gusto mo pang ituloy na gawin ito o hindi.
Batas ng Matataas o Malalaking Numero
Malapit na kaugnay ng long term predictability o pangmahabang panahong mahuhulaan kung ano ang mangyayari ang konseptong matematika na tinatawag na Law of Large Numbers o Batas ng Matataas o Malalaking Numero. Ang ibig sabihin nito sa pagsususugal ay sa kalaunan, ang iyong aktual na pangkalahatang mga kumulatibong resulta ay magiging patungo sa pangmahabang panahong katamtamang mga resulta para sa larong iyon. Halimbawa, pag naghagis ka ng coin nang walang tigil sa loob ng di-mabilang na mga araw, ang pangkalahatang mga resulta ay patungo sa 50% heads o mga ulo at 50% tails o mga buntot ang lalabas, kahit na sa bawa’t hagis ay walang katiyakan kung ano ang lalabas at walang kaugnayan ang bawa’t hagis sa iba pang mga hagis.