Gaya ng nakita na natin, ang walang katiyakan ng mga resulta at lamang ng bangka sa pagsusugal ay paniguradong magkakapera ang mga operators ng sugal sa katagalan, na ang ibig sabihin ay natatalo ng pera ang mga naglalaro habang lumalaon. Kung ito ang kaso, ang tanong ay “Magkano ang magagasta ko sa pagsusugal?” Tingnan ang aming seksiyon tungkol sa kung magkano ang nagagasta sa paglalaro o cost of play At subukang gamitin ang aming cost of play calculators o mga calculators sa pagkarkula ng magagasta sa paglalaro, para matantiya kung ano ang maaari mong magasta sa pagsusugal bawa’t oras, bawa’t buwan o sa buong taon. Maaari mo ring i- print at gamitin ang isang kopya ng gambling log sheet o listahang talaan sa pagsusugal para matulungan kang masubaybayan kung gaanong oras at pera ang nagugugol mo sa paglalaro.
Magkano ang Nagagasta Mo sa Paglalaro? |
Mga Calculators ng Halaga ng Magagasta sa PaglalaroKahit nagsusugal ka para malibang o may iba pang ibang dahilan, importanteng malaman mo kung magkano ang nagagasta mo sa ganitong uri ng aliwan. Maaari mong tingnan kung magkano ang nagagasta mo sa paglalaro tulad ng pagtingin mo kung magkano ang gastos mo sa ibang uri ng libangan, tulad ng panonood ng sine o pagbili ng mga tiket para sa konsiyerto. Sa paglabas-labas na tulad nito, maaaring inaalam mo muna kung magkano ang magiging gastos mo bago ka magpasiyang gumasta ng pera sa ganitong activity. Iyan din ang maaari mong gawin para sa pagsusugal, na ginagamit ang mga Cost of Play Calculators o mga Calculators ng Halaga ng Magagasta sa Paglalaro, para sa apat na klase ng larong pasugal: VLTs, slots, roulette at blackjack. Ito ay mga mahuhusay na patnubay para malaman mo kung magkano ang magagasta mo sa pagsusugal habang tumatagal. Dahil sa walang katiyakang mga resulta, lamang ng bangka at iba pang mga factors, maaari kang matalo nang malaki sa isang sesyon, pagkatapos, paminsan-minsang manalo ng kaunting pera sa isang sesyon. Nguni’t habang tumatagal ang paglalaro mo, mas malamang na ang perang magagasta mo ay kukumporme sa mga pangmahabang panahong karaniwang magagasta, na ipakikita sa mga calculators na ito. Pumunta sa Cost of Play Calculators o Calculators ng Halaga ng Magagasta sa Paglalaro ngayon, para makita mo kung magkano ang magagasta mo sa paglalaro ng apat na larong ito. Chart ng Halaga ng Magagasta sa PaglalaroPag nasubukan mo na ang mga Calculators ng Halaga ng Magagasta sa Paglalaro o Cost of Play Calculators Ang chart sa ibaba ay makakatulong sa iyong ikumpara kung magkano ang nagagasta mo sa paglalaro ng iba’t ibang larong pasugal sa Manitoba. ( Isinasaalang-alang ng chart ang mga lamang ng bangkang itinakda ng mga Casinos sa Winnipeg.) Ang huling column o hanayan, ay nagpapakita ng karaniwang halaga ng magagasta sa isang oras- puwede mong ipalagay na ito ang halagang babayaran mo para sa paglilibang na ipinagkakaloob sa mga casino. Ang halaga sa bawa’t oras ay kinakarkula nang ganito: Halaga bawa’t Oras ng Paglalaro= Lamang ng Bangka bawa’t Oras* x Halaga ng Taya * Ang mga taya bawa’t oras para sa slots at VLTs ay kinakarkula nang ganito: 12 taya bawa’t minuto= 720 taya bawa’t oras o isang taya bawa’t 5 segundo. Tandaan na ang mga halagang ito bawa’t oras ay mga averages o pangkaraniwan o katamtamang halaga base sa pangmahabang panahong paglalaro. Sa panandaliang panahon, maaari kang gumasta ng mas malaki o mas maliit, depende sa walang katiyakan ng mga resulta. Bukod dito, kung tumaya ka nang mas malaki o maglaro nang mas mabilis, ang magagasta mo ay natural na magiging malaki. Puwede mong i-print ang chart na ito para madali mong makonsulta sa pamamagitan ng pag-click dito. Ang kaalaman kung ano ang katamtamang magagasta sa bawa’t oras na paglalaro ay isa lamang factor sa responsableng pagsusugalmarami pang mga factors ang nakapaloob dito, kasama na ang mga dahilan kung bakit naglalaro, mga kaalaman tungkol sa pagsusugal , at iba pang mga personal na factors na maglalagay sa naglalaro sa panganib na magkaroon ng problema sa pagsusugal. Chart ng Kung Magkano ang Magagasta sa Paglalaro
|