Mga Paniwalang Kamuntik Na: Ang Malapit Na ay Bale Wala
Ang isa pang karaniwang kasabihang maririnig tungkol sa pagsusugal ay ganito: “Kailangan ko lang ng ____ at nanalo na sana ako.” Maaaring ito ay isang numero sa bingo, o isa o mahigit pang touchdown para sa home team, nguni ‘t pareho ang ideya. “Kamuntik na kamuntik na akong manalo.” Lahat ng mga panalo ay kapana-panabik ( o nakapanghihina ng loob), nguni ‘t tandaan: ang pagmumuntik-muntikanang manalo sa sugal ay mas karaniwan kaysa sa aktual na pananalo. Halimbawa, para sa bawa’t taong nakakakuha ng anim na numero sa Lotto 649, may mga 250 tao na kailangan na lamang ng isa pang numero para manalo. Ang ganito ay totoo rin sa karamihan sa mga slot machines at VLTs, na ang pagmumuntik-muntikanang manalo ay mas pangkaraniwan kaysa sa aktual na pananalo.Mali ang paniniwala ng ibang tao na pag muntik nang manalo ay malapit na ang panalo o umiinam na ang mga tsansa nila. Hindi totoo ito. Kapana-panabik nga ang pagmumuntik-muntikanang manalo pero hindi ang ibig sabihin nito ay malapit na ang panalo. Huwag matuksong gumasta ng mas maraming pera kaysa sa una mong binalak na gastahin dahil muntik ka nang manalo. Ang muntik na panalo ay talo pa rin at walang bigay na panalo.