Kailangang Tulungan Ninyo Ako: Isang Kuwento Tungkol Sa Pang-aabuso Ng May Edad
Halos ubos na ang pera ko at mabilis na nawawala ang mga blackjack chips. Kailangan kong hanapin ang aking ama para makahingi ng pera at makapagpatuloy ako ng paglalaro. Alam kong naglalaro siya sa may mga slot machines.
Sa takbo ng mga pangyayari, malaki ang tsansang kailangang humingi rin ako sa kaniya ng pambayad ng upa sa apartment at pambili ng dalawang linggong groserya. At kailangan ding bigyan niya ako ng pambili ng gas dahil sasabihin ko sa kaniyang mawawalan ako ng trabaho pag walang gas ang sasakyan ko dahil hindi ako makakapasok. At pag nawalan ako ng trabaho, alam niyang hindi ako makakabayad ng upa sa apartment. Hindi niya gugustuhing lumaboy kami ng anak kong lalaki sa daan.
Kung minsan, tumatanggi siyang tulungan ako pero nagpipilit ako. Minsan, niyugyog ko siya sa balikat para magbigay siya ng pera. Alam kong dapat ay hindi ko sana ginawan ito dahil may sakit siya sa puso, pero atrasado na ang bayad ko sa ilaw at kailangan ko ng pera. Isa pa, tinutulungan ko naman siya pag may kailangang gawin sa paligid ng bahay. Hindi ako nagpapabayad kaya parang bayad niya sa akin ýon.
Palagay ko’y mahusay ako sa laro ko, kaya hindi ako titigil. Mananalo ako nang malaki at babayaran ko ang Tatay. O kaya ay titigil muna ako sandali ng paglalaro, magbabayad muna ako ng mga bills, iiwan ko ang anak ko sa tirahan ng Lolo niya, at magpapakasaya ako.
Inaabuso ng lalaking ito sa paraang pinansiyal, pisikal at emosyonal ang kaniyang ama. Bukod pa sa rito ay may mga problema siya dahil sa pagsusugal. Hindi siya makabayad ng mga bills, nahihirapan siyang mangalaga sa kaniyang anak at may maling paniwala na ang lahat ng mga problema niyang pinansiyal ay malulutas sa pamamagitan ng pagsusugal. Inaasahan niyang ang ama niya ang laging magsasalba sa kaniya , at dahil sa nagsusugal din ang ama, para sa lalaking ito ay walang masama sa pagsusugal kahit may mga negatibong konsekuwensiya. Sa mga situasyon sa problemang pagsusugal, hindi nakikita ng mga tao ang mga natatago nguni’t malulubahang problema hanggang hindi marami nang pinsalang nagagawa sa kanilang buhay.