Pinipiling Pansinin at Pinipiling Maalala:”Nakikita Ko Lamang ang Gusto Kong Makita”
Sa araw-araw na buhay natin, patuloy tayo sa pagpili ng mga bagay na gusto nating gawin o ng ayaw nating bigyan ng atensiyon. Halimbawa, napakadali nating hindi mapansin ang naririnig nating musika sa background hanggang marinig natin ang paborito nating kanta. Sa pagsusugal, hindi nakakapagtakang ang tumatawag ng pansin ng mga tao ay ang pananalo. Matindi ang impresyong nagagawa sa tao kapag nanalo kaya’t nagagawa nilang hindi pasinin o bigyan ng kaunting pansin lamang ang mga pagkatalo nila. Isipin ang manunugal na nagmamagaling sa mga kaibigan na nanalo siya ng $100 sa slot machine, nguni’t hindi binabanggit na mas maraming pera na ang naipatalo niya noong mas maaga pa.Ang resulta ay nagkakaroon ng hindi normal na persepsiyon ang nagsusugal kung magkano ang napanalunan niya kung ihahambing sa mga naipatalo niya. Ang ibang tao ay nagigitla pag nalaman kung magkano talaga ang nagasta nila sa pagsusugal.
Ang “pinipiling pansinin”at “pinipiling maalala” ay nagpapatibay ng paniwala ng isang tao sa isang sistema ng pagsusugal. Halimbawa, kung may naniniwalang ang mga makina ay mas magbibigay ng panalo pag Lunes, tatandaan ng taong iyon ang mga araw ng Lunes na nanalo siya. Kinakalimutan at hindi sinasabi na may mga Lunes na natalo siya. Narito ang ilang halimbawa ng” pinipiling maalala “:
- “Lagi” akong nananalo pag dinodoble ko ang taya ko.
- “Kahit kailan” ay hindi ako nananalo pag dinodoble ko ang taya ko.
- “Palaging” mas marami ang panalo ng kaibigan ko kaysa sa akin.
- “Palagi” akong nananalo sa casinong iyon.
Ang isa sa pinakamainam na paraan para maiwasan ang” pinipiling maalala “ay kailangang maingat na itala nang wasto ang mga resulta ng pagsusugal (i-click dito para sa isang gambling log at tracking
Sheet na puwedeng i-download).