Pagkabitag: Entrapment “Napagkit na Ako sa Hintuan ng Bus”
Ang “Pagkabitag” (Entrapment) ay tumutukoy sa isang taong buong tiyagang gumagamit ng isang stratehiyang hindi naman nagtatagumpay o gumagana. Habang lumalaki ang oras at perang ipinupuhunan sa stratehiyang ito, lalo siyang nagiging masugid sa paggamit nito. Ilarawan sa isip na naghihintay ng bus na masasakyan sa malapit lamang; kung hindi dumating ang bus pag nakapaghintay ka na nang matagal-tagal, gaano katagal ka pa maghihintay?Dalawang bagay ang pinagtatalunan mo sa isip na gawin. Ang isa ay umalis sa hintayan ng bus, pasensiya na lang sa ginugol mong oras at lakas at lumakad ka na lamang sa pupuntahan mo. Ang isa ay bumalangkas ng isang sistema ng pag-iisip na kasama ang mga isiping ito:
- Pag naghintay pa ako nang matagal, tiyak na darating ang bus.
- Minsan ko nang nakitang dumating ang bus na ito, sigurado akong darating ito ulit.
- Kung aalis pa ako ngayon, magmumukha akong hangal at para akong tanga.
- Maghihintay ako hanggang dumating ang bus at mapapatunayan kong tama ako.
Ang pagkabitag na ito o entrapment sa hintuan ng bus, ay maihahalintulad sa pagsusugal. Ang mga manunugal, bukod sa paggugol ng oras at lakas sa pagsusugal, ay gumagasta rin ng pera. Sinisimulang ipalagay ng manunugal ang nagagasta niyang pera hindi bilang gastos sa paglilibang kung hindi isang puhunan o “investment”. Tulad ng sasakay ng bus sa hintayan ng bus, ang manunugal ay maaaring maging mas lalong masugid na ipakitang hindi siya talunan- na puwede siyang manalo, na mananalo siya. Ito ay maaaring magbunga ng marami pang pagkatalo at ng mas masidhing udyok na magsugal.
Maaaring ang pinakamabuting paraan para hindi mahuli sa ganitong klase ng pagkabitag ay tanggapin, sa umpisa pa lamang, na ang pagsusugal ay karaniwang tungkol sa pagkatalo. Mabuting ideya rin na maglaan muna ng oras at perang gugugulin bago mag-umpisang magsugal.