Mga Sistema sa Pagsusugal: Mapag-aralan Kung Paano Mananalo Kahit Walang Katiyakan ang mga Resulta ng Laro
Kalikasan ng tao na makakita ng mga “patterns” o mga paulit-ulit na pagkakaayos ng mga bagay-bagay at iniaakma nila ang kanilang mga kilos sa mga patterns na ito. Halimbawa, pag nakakita tayo ng maiitim na ulap, dinadala natin ang mga payong natin dahil alam natin mula sa nakaraang mga karanasan na baka umulan.May mga patterns din na maaaring mangyari sa pagsusugal (ang bola ay tumatama sa pula, pula, itim, pula, pula, itim), nguni’t ang hirap ay nangyayari ito nang walang katiyakan at hindi makakatulong sa paghula kung ano ang susunod na mangyayari (Tingnan ang Kawalang-Kaugnayan ng mga Pangyayari o Indepencence of Events). Hindi mabilang na mga manunugal ang sumubok na humanap ng mga patterns at magbalangkas ng mga sistema na makatutulong sa pananalo nila. Huwag mong lokohin ang sarili mo. Wala kang makikitang patterns na makakatulong sa iyong manalo sa sugal.