Mga Pamahiin at mga Ritual

Mga Pamahiin at mga Ritual

ImageAng isang klase ng paniwala sa “magic” na takbo ng isip, ay ang paniniwala sa mga pamahiin at mga ritual. Kung manalo ka ng isang premyo habang suot mo ang iyong pulang palda, baka maniwala kang pag isinuot mo itong muli ay mananalo ka na naman. Pag pinagkurus mo ang mga daliri mo o bumigkas ka ng isang tula at umubra itong minsan, baka maniwala kang makakatulong na manalo ka pag inulit mo ulit ang mga ito. Kabilang sa iba pang mga karaniwang halimbawa ng mga pamahiin o mga good luck charms o masusuwerteng mga bagay ay:

  • isang paa ng kuneho (rabbit’s foot)
  • mga sapatos na bakal ng kabayo (horseshoes)
  • our leaf clovers
  • mga trolls na manyika (para sa mga naglalaro ng bingo)

Bagama’t nagbibigay ng kasiyahan ng loob sa mga tao na dala nila ang kanilang mga good luck charms o masusuwerteng bagay, ang totoo ay walang katiyakan ang mga resulta ng sugal- walang koneksiyon ang mga pamahiin at mga ritual at ang mga resulta ng laro.

Karaniwan sa mga atleta (athletes) ang may mga pamahiin at mga ritual- ang pagkakaiba lamang ay talagang aktual na may impluwensiya ang mga atleta sa mga resulta ng laro. Halimbawa, ang pagsusuot ng isang natatanging baseball cap ay maaaring magbigay sa atleta ng dagdag na tiwala sa sarili at maaaring mas mabuti ang laro niya. Nguni’t sa mga larong sapalaran o suwertihan, tulad ng slots at VLTs, ang dagdag na tiwala sa paglalaro ay walang magagawa para maiba ang mga resulta. Ang mga resulta sa sugal ay ganap na walang katiyakan at hindi naaapektuhan ng mga paniniwala.

Ang mga manunugal na may matibay na paniniwala na may mga “suwerteng mga taon” o mga “suwerteng numero” (tulad ng 7 sa ibang mga kulturang kanluranin, o western cultures, o 8 sa ibang mga kulturang silanganin, o eastern cultures) ay maaaring tumaya nang mas malaki sa kaya nilang ipatalo dahil sa palagay nilang mas malaki ang tsansa nilang manalo sa isang tiyak na petsa o sa isang tanging haba ng panahon. Pinakamahusay na laging mag-ingat sa pagsusugal at itaya lamang ang kayang ipatalo.