Maraming taong nagsusugal na hindi binibigyan ito ng masiyadong pag-iisip – o pinag-iisipan ba nila? Ang sikolohiya ay isang aktual na bahagi ng pagsusugal mula sa umpisa (“Pakiramdam ko’y susuwertihin ako- maglalaro yata ako”) hanggang sa pagtatapos (“Ayokong tumigil habang natatalo ako- magpatuloy pa nga ako ng paglalaro”).Kung plano mong magsugal, hindi ba magandang ideya na talagang maintindihan mo muna kung paanong naaapektuhan ng sikolohiya ang lahat ng bagay, mula sa mga larong nilalaro mo hanggang sa kung magkano ang itinataya mo at kung paano ka tumatanggap ng panalo o pagkatalo?
Narito ang ilang halimbawa ng mga konseptong tatalakayin natin.
Pakiramdam na Susuwertihin sa Pagsusugal: Mabuti ba o Masama?
Ang ibang tao’y laging ang magagandang nangyayari ang nakikita. Sa halos lahat ng mga bahagi ng buhay, ang ganitong pananaw ay isang positibong katangian, nguni’t sa pagsusugal, ang sobrang pakiramdam na mananalo o magiging masuwerte ay maaaring delikado o peligroso. Alamin kung bakit.
Mga Sistema sa Pagsusugal:Mapag-aralan Kung Paano Mananalo Kahit Walang Katiyakan ang Mga Resulta ng Laro
Ang kagustuhang manalo sa sugal kahit na walang katiyakan ang mga resulta ay natural lamang. Matagal nang panahong sinusubukan ng mga manunugal na may madiskubreng mga sistema para matulungan silang manalo. Susuriin natin ang mga maling kaisipan sa likod ng maraming mga sistema at pag-aaralan natin kung bakit, maliban sa ilang eksepsiyon, ang mga sistema sa pagtaya o betting systems ay talagang hindi gumagana.
20/20 Kaalaman Pagkatapos Mangyari sa Pagsusugal : May Kabuluhan o Nakaliligaw ng Paniwala?
Madali ang magsugal kung tataya tayo pag alam na natin ang mga resulta ng laro. Kalikasan ng tao na subuking matuto sa mga nagdaang karanasan. Alamin kung paano ka matututo sa nagdaan mong mga karanasan sa pagsusugal at kung ano ang mga hindi mo dapat pansinin.
Mga Paniwalang “Kamuntik Na”: Ang Malapit na ay Bale Wala
Ang pagmumuntik-muntikanang manalo ay maaaring maging kapana-panabik. Mali ang paniwala ng ibang tao na pag muntik nang manalo sa isang makina, ang ibig sabihin ay malapit na ang aktual na panalo. Magbasa pa para malaman kung paanong maaaring makaapekto sa pag-iisip natin tungkol sa pagsusugal ang “mga kamuntik na ” nating pananalo.
Malamig at Mainit na mga Makina : Walang Ganitong mga Makina
Ang isang maling paniniwala ng mga manunugal ay ang ideyang may mga maiinit (“hot”) na makina na nagbibigay ng malaking panalo at mga malalamig (“cold”) na makina na halos hindi nagbibigay ng panalo. Magbasa pa para matutuhan kung bakit hindi ito totoo- at kung saan nanggagaling ang maling paniwalang ito.
Pinipiling Pansinin at Pinipiling Maalala: “Nakikita Ko Lamang ang Gusto Kong Makita”
Natural na ituon natin ang ating ang pansin sa kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan, lalo na pag kasama nito ang pananalo. Pag-aralan kung paanong nakakasagabal kung minsan ang pinipili nating pansinin at ang mga pinipili nating maalala, na makita kung ano talaga ang nangyayari sa pagsusugal.
Hindi Mahuhulaang mga Panalo: Pag-aralan Kung Paano Ka Maaapektuhan
Talagang nakakaganyak kung may tsansang manalo. Kung minsan ay mahirap tumigil kung alam mong bawa’t laro ay nagbibigay sa iyo ng isa pang tsansang manalo. Gayon pa man, halos lahat ng klase ng sugal ay base sa tinatawag sa Ingles na variable ratio reinforcement schedule, na ang ibig sabihin ay hindi mahuhulaan kung kailan magbibigay ng mga panalo sa laro. Basahin kung ano ang kahulugan ng aspektong ito ng pagsusugal at kung ano ang ibig sabihin nito para sa iyo.
Pagkabitag : “Napagkit na ako sa Hintuan ng Bus”
Lahat tayo ay nakaranas na nang may hinihintay na hindi dumating-dating, kahit ito ay paghihintay sa isang bus, isang tawag sa telepono o sa isang kaibigang kakatagpuin. Kailan ka titigil ng paghihintay- at ano ang kinalaman nito sa pagsusugal. Bumasa pa para malaman.
Huwag Mahuling Naghahabol
“Ang Paghahabol” ay mukhang kapana-panabik, nguni’t sa pagsusugal, ito ay maaaring matungo sa kapahamakan. Alamin kung paano maiiwasang matuksong maghabol ng mga natalo sa iyo.
Ilusyon ng Kontrol
Pagtaya, pagpindot sa mga buttons, pagpili ng mga baraha- ang mga bagay na ito ang ginagawa ng mga tao pag nagsusugal. Nguni’t ano ang aktual na kinokontrol mo pag nagsusugal ka? Saan ka walang kahit anong kontrol? Magbasa pa para malaman.
Paniwala sa “Magic” na Takbo ng Isip
Mayroon ka na bang hiniling na isang bagay at ito ay nagkatotoo? Palagay mo ba,nagkatotoo ito dahil hiniling mong mangyari o nagkataon lamang ito? Maraming mga manunugal na naniniwala sa “magic” para magkaroon ng mabuting kapalaran at manalo sa sugal. Magpatuloy ng pagbasa para malaman mo kung paanong nagkakaroon ng impluwensiya sa pagsusugal ng isang tao ang paniwala sa kapangyarihan ng “magic” at kung bakit ang mga ganitong takbo ng isip ay maaaring maging peligroso para sa ibang mga manunugal.
Mga Pamahiin at mga Ritual
Mga suwerteng numero, mga paa ng kuneho, four leaf clovers, sapatos na bakal ng kabayo- ang lahat ng ito ay mga simbolo ng suwerteng kadalasang iniuugnay sa pagsusugal. Magpatuloy sa pagbasa para matuto pa ng mga pamahiin at ritual sa pagsusugal, kung saan nagmula ang mga ito at bakit hindi ka matutulungan ng mga itong manalo.
Ang Pangganyak ng Pagsusugal: Ano ang Ibig Sabihin ng Pagsusugal sa Iba’t Ibang Tao
Ang ibang tao ay maaaring magustuhan ang aspektong sosyal ng paglalaro ng blackjack sa isang mesa, kasama ng mga kaibigan, samantalang ang iba ay maaaring piliing mag-relax sa paglalaro ng slot machine o VLT. Magpatuloy sa pagbasa para malaman kung ano ang kahulugan ng pagsusugal para sa iba’t ibang tao.
Pagsusugal : Panatilihing Makatotohanan
Mga kaakit-akit na temang may mga hinulugang taktak, nagsasalitang mga estatuwa. mga gladiators at mga malalaking papremyo-hindi nakakapagtakang makita ang mga bagay na ito sa mga malalaking casino. Nagbibigay ang mga ito ng pansamantalang pagtakas mula sa pang-araw -araw na routine o laging ginagawa. Lamang, huwag padala sa hindi makatotohanang pantasiang ito. Pag-aralan ang ilang mahahalagang tips para hindi mo malimutan kung ano ang mga bagay na ito.