20/20 Kaalaman Pagkatapos Mangyari ( 20/20 Hindsight) sa Pagsusugal: May Kabuluhan o Nakaliligaw ng Paniwala?
” Sabi ko na nga ba. Sana, sa _____ ako tumaya!” Kung narinig mo na ito ( o mismong ikaw ay ganito ang naisip), alam mo kung ano ang ibig sabihin sa sugal ng” 20/20 kaalaman pagkatapos mangyari”. Pagkatapos na mangyari ang isang bagay, madaling malaman na sana ay iyon ang tinayaan mo. Sa kasamaang-palad, lahat halos ng klase ng sugal ay walang katiyakan ang mga resulta at walang kaugnayan ang mga pangyayari sa isa’t isa, kaya ang nangyari na ay hindi makakatulong para hulaan ang susunod na mangyayari.
Ang isa pang karaniwang klase ng 20/20 kaalaman pagkatapos mangyari (20/20 hindsight) sa pagsusugal ay ganito: ” Sana tumigil na ako noong umabot na sa $_____ ang panalo ko, bago nag-umpisa na akong matalo- sa susunod, titigil na ako.” Talagang madaling maalala ang isang sesyon sa pagsusugal, piliin ang punto nang pinakamalaki ang panalo at sabihing “Sana tumigil na ako noon.” Sa kasamaang-palad, kahit kailan ay hindi mo malalaman kung saang parte ng paglalaro mo ang pinakamataas ang panalo mo- hanggang sa matapos ka na sa paglalaro at balikan ang nangyari sa iyo. Sa halip na alalahanin ang tapos nang nangyari, makakabuti sa iyo ang magplano kung gaanong oras at pera ang gugugulin mo sa susunod na mga pagkakataon.