Paano Maaaring Maapektuhan ng Pagsusugal ang Isang Tao

Paano Maaaring Maapektuhan ng Pagsusugal ang Isang Tao

Ang isang pangkaraniwang paniwala ng maraming nagsusugal ay pagkatalo lamang ng pera ang nagiging resulta ng sobrang pagsusugal. Madaling maintindihan ito dahil ang mga pinansiyal na pagkatalo ay nasusukat at nabibilang. Nguni ‘t ang katotohanan, ang mga epekto ng sobrang pagsusugal ay totoong malawak ang nasasaklaw at kasama ang mga problemang psychological at emosyonal, na mas mahirap masukat. Kadalasang hindi natutukoy agad ang mga problemang may kinalaman sa mga ito at hindi binibigyan ng atensiyon ng mga kinauukulan hanggang hindi napakalaki nang pinsala ang nagawa.Narito ang ilang mga epekto ng sobrang pagsusugal:

Pinansiyal

  • mga pagkakautang, pagiging bangkarote
  • pagkaubos ng mga naipong pera
  • paglapit sa mga nagpapautang nang patubuan

Legal

  • paggawa ng mga kilos na ilegal o laban sa batas
  • inihahabla o ginigipit ng mga pinagkakautangan
  • pag-aresto ng pulis

Trabaho o Pinagkakakitaan (Employment)

  • nababawasan ang pagiging produktibo
  • naaalis sa trabaho (laid off)
  • mga hindi maipaliwanag na pagkahuli o hindi pagpasok sa trabaho

Kalusugang Pisikal (Physical Health)

  • insomnia o di – pagkatulog
  • mga panic attacks o atake ng matinding kaba o takot na hindi maipaliwanag
  • mga ulcer
  • alkohol o paggamit ng droga

Mga Relasyon sa Ibang Tao

  • pakikipag-away sa asawa/ iba pang miembro ng pamilya
  • diborsiyo o pakikipaghiwalay
  • paglayo sa pamilya at mga kaibigan
  • problemang patagalin ang mga relasyon sa iba

Kalusugan ng Isip (Mental Health)

  • depresyon o matinding kalungkutang hindi maipaliwanag
  • panic o matinding kaba at takot, desperasyon
  • mababang palagay sa sarili
  • mga pagbabago sa personalidad
  • mga iniisip o pagsubok na magpakamatay o kunin ang sariling buhay

Edukasyon

  • walang konsentrasyon sa pag-aaral
  • hindi pagpasok sa mga klase
  • pagbaba ng marka o pangkalahatang performance