Ang Pagsusugal at ang Pamilya

Ang Pagsusugal at ang Pamilya

Naaapektuhan Ka Ba ng Pagsusugal?

Nasa situasyon ka ba na ang pakiramdam mo ay mayroong nangyayaring hindi tama sa isang miembro ng iyong pamilya? Maaring sinusubukan mong malaman kung ano ang masamang nangyayari, nguni’t hindi ka sigurado. Tuwing tatanungin mo ang miembrong ito ng pamilya tungkol sa mga pag-aalala mo, lagi siyang may paliwanag. Dahil sa may tiwala ka at mahal mo ang taong ito, naniniwala ka sa paliwanag niya kahit parang hindi ka natatamaan dito.

Posibleng may problema sa pagsusugal ang miembrong ito ng pamilya mo. Maaaring ilihim ng mga manunugal ang mga gawain nila sa pamamagitan ng paggawa ng isa sa mga sumusunod:

Image

  • Pagsisinungaling kung paano nila ginugugol ang kanilang oras at pera
  • Pagkontrol ng lahat ng mga gastusin (finances) ng pamilya.
  • Pagpapalagpak ng kanilang mga sulat sa trabaho o sa isang post office box.
  • Pagkuha ng credit na nasa pangalan lamang nila.
  • Pagpapalsipika ng mga pirma sa mga personal na utang o sa mga mortgages o pambayad sa bahay.

Kung may hinala kang pagsusugal ang maaaring dahilan o isyu, maraming mga mabubuting dahilan para ka gumawa ng mga kongkretong hakbang para makita mo nang mas malinaw ang situasyon. Kung hindi mo gagawin ito, ikaw at ang mga miembro ng pamilya mo ay dadanas ng grabeng pagkawala ng pera, magiging ligalig tungkol sa inyong hinaharap o kinabukasan, makakaramdam ng kalungkutan at pagiging hiwalay sa ibang tao, makakaramdam ng galit at sama ng loob pagka’t ipinagkanulo, at frustrated at parang wala nang pag-asa.

Ang paggawa ng mga kongkretong hakbang ay makakatulong sa iyong magpasiya kung ano ang gagawin mo. Narito ang ilang mungkahi.