Problemang Pagsusugal
- 10 Babalang Tanda ng Problemang Pagsusugal
- Lawak ng mga Gawi sa Pagsusugal
- Mga Kadahilanang Nagreresulta sa Problemang Pagsusugal
- Paano Maaaring Maapektuhan ng Pagsusugal ang Isang Tao
- Mga Maaaring Gawin Tungkol sa Problemang Pagsusugal
- Mga Epekto sa Pamilya
- Pagtulong sa Nagsusugal
- Pagtulong sa Iyong Sarili
- Bakit Mahirap Mabigyan ng Solusyon ang Problemang Pagsusugal
Marami sa mga taong nagsusugal ang may kontrol sa oras at perang ginugugol nila sa gawaing ito. Para sa kanila, maaaring maging isang klase ng libangang walang magagawang masama ang pagsusugal. Maaaring ipasiya nilang maglaan ng halagang pansugal, tulad ng paggasta nila ng laang halaga sa mga aliwan nila tulad ng panonood ng sine, pagtungo sa mga sporting events at mga konsiyerto, o pambayad sa matrikula para sa mga kursong kinukuha nila sa gabi.
May ibang mga tao namang nahihirapang kontrolin ang pagsusugal nila, at nagkakaroon sila ng mga problema sa kanilang buhay. Maaaaring hindi nila nalalamang nasosobrahan na sila sa pagsusugal at gumagasta ng malaking pera at oras sa gawaing ito hanggang maging napakalaki ng mga problema at hindi na puwedeng ipagwalang-bahala. Ang mga problema ay maaaring makaapekto sa isang tao at makakaapekto rin sa pamilya.
Sa ibaba ay may isang listahan ng mga babalang tanda ng problemang pagsusugal. Napapansin mo ba ang alinman sa mga tandang ito sa iyong sarili? Kung totoo ito, maaari mong ipasiyang humingi ng tulong.
10 Babalang Tanda ng Problemang Pagsusugal
- Paggasta ng mas maraming pera at oras sa pagsusugal na sobra sa makakaya o binalak na gugulin.
- Panghihiram ng pera para isugal.
- Isinusugal ang perang dapat ay gastahin para sa pangunahing mga kailangan tulad ng pagkain, upa sa bahay atbp.
- Pagpapabaya sa mga mahahalagang responsibilidad tulad ng trabaho, pag-aaral o pamilya, para magsugal.
- Pagsisinungaling o pagtatakip tungkol sa totoong situasyon sa pagsusugal.
- Paghahabol at pagpipilit na mabawi ang mga natalong pera.
- Pakikipagtalo sa mga kaibigan at pamilya, lalo na tungkol sa mga isyu sa pera.
- Maraming hindi nababayarang bills at patuloy na palaki ang mga utang dahil sa pagsusugal.
- Pagsisisi tungkol sa mga ikinikilos o iginagawi sa pagsusugal.
- Madalas na pagsusugal ang iniisip.