Mga Tips Para sa Responsableng Pagsusugal
May panahon sa buhay ng karamihan sa mga tao na naglalaro sila ng isang porma ng larong pasugal. Karamihan sa mga manunugal ay nagagawa ito nang walang mga sukat ikabahala, nguni’t may mga ibang nagkakaroon ng mga problema sa kanilang pagsusugal.Sa kabutihang-palad, may mga stratehiyang magagamit ang mga manunugal para makaiwas sila sa problemang pagsusugal. Kung magsusugal ka, tingnan ang mga sumusunod na tips na makatutulong sa iyo para matutuhan na maaari kang malibang sa pagsusugal na hindi mo ilalagay ang sarili mo sa problemang pagsusugal.
- Magkaroon ng tamang pagtingin o right attitude sa pagsusugal- magsugal ka para maaliw at maglibang at hindi para magkapera.
- Magtakda ng limit ng kung magkanong pera at oras ang kaya mong gugulin sa pagsusugal. (Hindi mo dapat isama ang perang kailangan mo sa pamumuhay tulad ng pagkain, tirahan atbp.) Importanteng hindi mo palitan ang limit mo habang naglalaro.
- Huwag kang magdala ng mga bank cards at credit cards pag nagsusugal ka. Iwan mo ang ekstra mong cash sa bahay.
- Pag naubusan ka ng pera, huwag kang manghiram sa pamilya mga kaibigan o iba pang tao para makapagpatuloy ka lang ng pagsusugal.
- Dalhin mo lamang ang halagang gusto mong gastahin at magkaroon ka ng malinaw na plano kung ano ang gagawin mo kung agad maubos ang pera mo nang hindi mo inaasahan,
- Alamin kung magkano ang nagagasta mo sa isang oras na paglalaro mo ng mga larong gustung-gusto mong laruin. Bagama’t nananalo ka kung minsan, pag natalo ka, importanteng malaman mo ang karaniwang gastos mo bawa’t oras. Para karkulahin ang sarili mong nagagasta sa paglalaro, subukan ang aming mga calculators o Cost of Play Calculators. (Mga Calculators ng Halaga ng Magagasta sa Paglalaro)
- Intindihin ang mga peligro at benepisyo o nagagawang buti ng pagsusugal- alamin mo ang mga sarili mong dahilan sa pagsusugal. Ang responibilidad ng pagbabalanse ng mga peligro at benepisyo ay sa iyo lamang nakasalalay.
- Tandaang bagama’t nakakalibang ang pagsusugal, hindi ito isang paraan sa paglutas ng mga problema.
- Balansihin ang pagsusugal sa iba pang mga gawaing nakakalibang. Hindi lamang ang pagsusugal ang dapat mong gawin sa libre mong oras.
Pag regular kang nagsusugal, mabuting ideya na subaybayan mo ang nagagastos mong pera sa gawaing ito. Mag-print ka ng One Month At-A- Glance Log Sheet o Buwanang Isang Sulyap na Log Sheet (Talaan), na tutulong sa iyong magkaroon ng aktual na rekord ng gastusin mo sa pagsusugal. Tandaang maglaan ng gastos (ang balak mong gastusin sa araw na iyon) sa unang linya. Pagkatapos, sa pagtatapos ng araw, ikumpara mo ang halagang iyon sa halagang aktual mong nagasta.
Lagi mong itanim sa isip na sa kabila ng mga tips para sa responsableng pagsusugal na nasa itaas, para sa ibang tao, ang ano mang uri ng pagsusugal ay naglalagay sa kanila sa peligro. Para sa mga taong ito, ang tanging ligtas na pagsusugal ay maaaring huwag nang magsugal.