Ang mga taga- Manitoba na nag-aalala sa kanilang sariling pagsusugal o tungkol sa pagsusugal ng isang miembro ng kanilang pamilya o ng isang kaibigan, ay maaaring makakuha ng mga serbisyong ito nang libre. Ang mga ibinibigay na programa ay ang mga sumusunod:Orientation sa mga Serbisyo sa Problemang Pagsusugal
Ang mga lingguhang sesyon ng impormasyon para sa grupo ay para sa mga taong may problema sa kanilang pagsusugal, gayon din para sa ibang mga may problema dahil sa mga activities sa pagsusugal ng ibang tao. Ang isang AFM counsellor o tagapayo ay nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa problemang pagsusugal at inilalahad ang tulong na makukuha para maiwasang maging malala ang pinsalang ibinibigay sa buhay ng mga tao dahil sa pagsusugal.
Indibidual na Counselling
Ang serbisyo ng indibidual na counselling, na libre at confidential, ay para sa mga taong may mga problema dahil sa kanilang pagsusugal o nagkakaproblema dahil sa pagsusugal ng iba. Mga trained counsellors ang mahihingan ng tulong mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:30 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon.
Pang-Grupong Rehabilitasyon sa Pagsusugal
Laan sa mga nakikipag-ugnayan na nang matagal sa kanilang mga counsellors, ang walong- linggong programang ito ay idinadaos isang gabi sa isang linggo (sa AFM) para magbigay ng edukasyon o kaalaman at suporta para sa gawi ng buhay na walang sugal.
Grupo ng Patuloy na Pangangalaga
Ang mga miting na ito ay nagbibigay ng patuloy na suporta para sa nakatapos na ng mga programa sa rehabilitasyon ng grupo o sa residential program.
Counselling sa Telepono
Ang counselling sa telepono ay para sa mga taong walang pagkakataong makipagkita sa isang counsellor nang harapan. Nagtatakda ng appointment para sa isang counsellor at isang workbook ng mga impormasyon at mga worksheets ang ipinadadala sa mga sumasali sa programang ito.
Residential na Programa Para sa Problemang Pagsusugal
Ang AFM ay nagbibigay ng 14-na araw ng residential program para sa mga lalaki at babae. Ang programa ay ginaganap sa Parkwood Treatment Centre sa Brandon at maaaring salihan ng mga problemang manunugal kahit saang probinsiya sila nakatira.
Para ma-access ang kahit alin sa mga programa at serbisyo sa itaas, mangyaring tumawag sa Helpline sa 1-800-463-1554 (toll free sa Manitoba). Para sa mga tumatawag na gusto ng serbisyo sa interpretasyon, mangyaring sabihin sa staff o tauhan ng helpline kung aling lengguahe ang napili.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga Programa sa Pagsusugal ng AFM o iba pang mga programa at serbisyo ng Addictions Foundation of Manitoba, i-click dito.