Balik sa Naglalaro (RTP) at Dalas ng Panalo: Ano ang Ibig Sabihin ng mga Ito?
Balik sa Naglalaro (RTP)
Ang Return to Player (RTP) o Balik sa Naglalaro ay isang terminolohiyang ginagamit para ipakita ang porsiyento ng lahat ng perang ipinusta na ibabalik ng VLT o slot machine sa mga naglalaro over time o sa katagalan. Halimbawa, kung pumusta ka ng isandaang $1 na taya sa isang makina na ang Balik sa Naglalaro ay 90 %, maaaring umasa kang babalik sa iyo ang mga $90 na panalo. Natural, ang lamang ng bangka (house advantage) at Balik sa Naglalaro ( RTP) ay karaniwang kinakarkula sa pangmahabang panahon o over the long term. Halos kahit ano ay maaaring mangyari sa panandalian o maikling panahon (Tingnan ang Short Term Volatility o Panandaliang Panahong Madaling Mawawala laban sa Long Term Predictability o Pangmahabang Panahong Mahuhulaan Kung Ano ang Mangyayari) ,Kaya dapat na ang perang itataya mo ay ang halaga lamang na handa mong maipatalo.
Marahil ay napansin mo na na ang Balik sa Naglalaro (RTP) ay ang kabilang panig lamang ng lamang ng bangka o house advantage. Pag may 20% lamang ng bangka ang makina, ang katamtamang (average) Balik sa Nanalo (RTP), ay magiging 80%, na ang ibig sabihin, sa katagalan, kukunin ng makina ang mga 20% ng lahat ng perang itinaya at ibabalik ang 80% sa mga naglalaro sa mga panalo ng mga ito.
Dalas ng Panalo
Ang Hit Frequency o Dalas ng Panalo ay terminolohiyang ginagamit ng mga casino para ipakita kung gaano kadalas na tumigil sa isang panalong kombinasyon ang isang makina. Halimbawa, kung ang makina ay may dalas ng panalong 8%, ang ibig sabihin ay 8% ang ulit na titigil ang makina sa isang panalong kombinasyon. Mabuting bigyang-pansin na sa maraming slots at VLT, nakakapusta ang mga naglalaro sa maraming linya sa bawa’t tira o spin. Kaya ang resulta, sa isang tira o spin, ang isang naglalaro ay maaaring makakuha ng isa o mahigit pang panalong mga kombinasyon, nguni’t kasama nito ay makakakuha rin siya ng maraming mga kombinasyong hindi panalo. Sa naglalaro, maaaring ang pakiramdam niya ay parang mas madalas siyang nananalo, nguni’t gaya nang dati, sa katagalan, mas marami ang talong kombinasyon kaysa sa mga panalong kombinasyon.
Sa mga slots at VLTs, maaaring may mga malalaking pagkakaiba-iba ang hit frequency o dalas ng panalo. Sa ibang slots, ang hit frequency ay hanggang 3% ang baba, samantalang ang ibang laro tulad ng video poker, may hit frequency ng halos 45%. Ang hit frequency sa video poker ay parang nakakaganyak, nguni’t tandaan na sa halos kalahati ng mga “hits” o panalong ito ay napapanalunan lamang ng naglalaro ang perang naipusta na niya. Ang makinang may 3% na hit frequency o dalas ng panalo ay parang hindi nakakaganyak, nguni’t mas nagbibigay ito ng tsansa sa mga naglalaro na manalo ng malaking jackpot (Ang mga makinang may malalaking progresibong jackpot ay mas mababa ang hit frequency o dalas ng panalo , nguni’t malalaki ang ibinibigay na jackpot.)
Ang mga larong mababa ang hit frequency o dalas ng panalo ay madalas na ipinalalagay ng mga naglalaro na “tight” o maramot, dahil malalayo ang pagitan ng mga panalo, samantalang ang mga larong mataas ang hit frequency o dalas ng panalo ay ipinalalagay na ” loose” o mabigay o masipag, dahil sa maraming maliliit na panalong bigay nito.
Tandaang ang “hit frequency” ay kung gaano kadalas (on average o pangkaraniwan) lumalabas ang isang panalong kombinasyon. Ang “Return to Player” o “Balik sa Naglalaro” ay kung gaano kalaki o kung anong porsiyento ng lahat ng mga perang ipinasok sa isang makina ang mababalik sa katagalan o over time.